Menu

News and Events

HYGIENE KIT PARA SA MGA BATANG PASAYEÑO SULONG EDUKASYON SA BAGONG KADYAWAN MULA SA PUSO NG ATING BUTIHING MAYORA IMELDA CALIXTO-RUBIANO

SYLWYN S. TENORIO
Education Program Specialist II-SocMob

Bilang pagtugon sa bagong kadyawan ang ating butihing Mayora Imelda Calixto-Rubiano ay nagkaloob ng mga hygiene kit sa lahat ng mga mag-aaral sa mababang paaralan sa ating sangay. Ito ay isang paraan upang ang pagkalat ng virus na COVID 19 ay masugpo at gawing ligtas ang lahat ng mga mag-aaral na patuloy na nagkakamal ng karunungan sa pamamagitan ng blended learning.  Tunay na ang ating sangay ay patuloy na sumusulong upang maihatid ang dekalidad na edukasyon sa tulong ng ating butihing mayora katuwang ang mga opisyales ng ating lungsod. Pinatutunayan lamang na sa patuloy na pagbibigay halaga sa ating mga mag-aaral ang pagsugpo sa virus ay maiiwasang kumalat sapagkat malaking tulong ang handog na ito upang ang EMI HABIT sa ating lungsod ay patuloy na maituro sa lahat. Kaya naman ang ating tagapamanihala ng mga paaralan na si Dr. Loreta B. Torrecampo ay patuloy na tumutugon  sa lahat ng mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga tulong na ito walang mag-aaral sa ating sangay ang magiging biktima ng virus na ito.

Mula po sa puso ng mga mag-aaral, guro, magulang at pinuno ng ating sangay ang pasasalamat sa ating mga pinuno ng lungsod ay lubos-lubos sapagkat hindi sila nagsasawang magkaloob ng mga tulong na magagamit ng mga mag-aaral sa bagong kadyawan. Kaya naman, naniniwala ang bawat isa na sa Lungsod ng Pasay ay makakamit ang Dekalidad na Edukasyon dahil ang mga pinunong Pasayeño ay handang tumulong sa lahat ng mga mag-aaral na magiging pag-asa ng ating susunod na henerasyon.

Previous
GENDER-RESPONSIVE ACTIONS TOWARDS COMMUNITY EMPOWERMENT AND DEVELOPMENT (GRACED) PROJECT, LAUNCHED
Next
Pasay City Division Office Non-Teaching Personnel Association Newly Elected Officers take oath